tungkol saan ang mitolohiyang ang “hukuman ni mariang sinukuan”
Answer:
HUKUMAN NI MARIANG SINUKUAN
Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan ay isang Kwentong Bayang nagpapaliwanag ng mga bagay-bagay tungkol sa mga hayop at insekto. Partikular, kung bakit hindi nangangagat ang lalaking Lamok, ito’y pahuni-huning umaali-aligid lamang sa tenga ng tao. Kung bakit laging dala ni Pagong ang kanyang bahay; kung bakit nasa itaas ng puno ang pugad ng ibong Martines; kung bakit kumukokak ang palaka; kung bakit may dalang ilaw ang alitaptap sa gabi; at kung bakit dumadamba ang Kabayo.
Dahil ang mga tauhan ay hayop, ang kwento’y maaaring ibilang sa genre ng pabula dahil ginamitan ng iskrip, ng dayalogo ito’y naging isang maikling dula.