Talumpati Tungkol Sa Trabaho

talumpati tungkol sa trabaho

Talumpati ng Pagiging Isang Inhinyero

“ Pagiging Isang Inhinyero ”
Bago pa man tayo nakatuntong sa kolehiyo, lahat na tayo ay nagkaroon ng mga pangarap at mithiin sa buhay, at isang hamon sa atin ay ang pagpili ng linyang ating papasukan. Naging napakalaking desisyon din sa buhay natin ang pagpili ng kursong kukunin sapagkat dito nakasalalay ang ating magiging kinabukasan. Sa panahon ng ating pagdedesisyon ay ang paglitaw ng mga katanungan sa ating sarili kung ano ang magiging bunga kung tayo’y nakatapos na sa kursong napili. At pagkatapos ng masinsinang desisyon nandito tayo sa isang sikat na eskwelahan upang tuparin at aralin ang ating napiling kurso. Ang maging isang INHINYERO.
Inhinyero, Taga plano ng bahay, kalsada at iba pang establisyemento, taga ayos ng elektrisidad, matalino sa matematica at malaki ang sahod; mga karaniwang sikat na bansag sa isang inhinyero na nagiging gabay sa mga kabataan sa pagpili ng isang kurso. Ngunit sa likod ng mga bansag na ito ay mas malalim pang kahalagahan ng isang inhinyero sa buhay ng tao, sapagkat ang mga inhinyero ay bahagi ng araw-araw na buhay ng isang tao dahil sa napakalaki nitong kontribusyon sa isang indibiduwal at sa ekonomiya ng bansa.
Inhinyero ay may ibat-ibang sangay upang matustusan at maibigay ang serbisyong kinakailangan ng tao sa ibat ibang bagay. Isa na dito ang kemikal engeenir.Sangay ng inhinyero na pangkimika o chemical engineering, isang sangay ng inhinyero na naglalapat o gumagamit ng mga agham na pisikal kasama ng matematika at ekonomiks sa mga proseso na nagpapalit ng mga hilaw na materyal o mga kimikal upang maging mga anyo o pormang mas nagagamit o mas mahalaga.

Bilang karagdagan, ang makabagong mga inhinyerong pangkimika ay nagbibigay din ng pagtuon sa pagpapasimula ng mahahalagang mga materyal at kaugnay na mga paraan – na kadalasang mahalaga sa kaugnay na mga larangang katulad ng nanoteknolohiya, mga selulang panggatong, at inhinyeriyang biyomedikal.Sa loob ng inhinyeriyang pangkimika ay nabibilang ang dalawang malawak na mga kabahaging pangkat: Ang pagdidisenyo, pagmamanupaktura, at pagpapatakbo ng mga planta at mga makinarya sa mga prosesong pangkimika na pang-industriya at kaugnay pang mga proseso (mga “inhinyero ng prosesong pangkimika”) at ang paglikha at pagpapaunlad ng bago o inangking mga sustansiya para sa mga produktong sumasaklaw sa mga pagkain, mga inumin, mga kosmetiko, mga panlinis, at mga sangkap na parmasyutikal, sa pagpili ng marami pang ibang mga produkto(mga “inhinyero ng produkto ng kimika”).
Isa ito sa apat na sangay ng “Engineering”. Sa kursong ito pinag-aaralan ang iba’t-ibang proseso sa planta, pagdidisenyo ng planta at prosesong kailangan sa paggawa ng mga produkto.Isa rin ito sa apat na sangay ng engineering ang may kakaunting numero ng estudyante. Ang “Chemical Engineer o Inhinyehirang Pangkimika” ay isang propesyon kung saan ito ay bahagi ng industriyang kemikal. Bilang bahagi ng industriyang ito, ang “Chemical Engineer” ang responsible sa paggawa ng mga produkto galing sa iba’t-ibang materyales, paggawa ng mga disenyo at operasyon sa planta, at ang pagpili ng makinang gagamitin sa produksyon.

Ang mga “Chemical Engineer” ay aktibo sa mga planta at isa sa maaaring gawin ng mga ito ay pagpapabilis ng produksyon ng mga pangunahing pangangailan na gumagamit lamang ng murang halaga ng paggawa. Sa pamamagitan nito hindi ganoon kalaki ang itataas ng mga presyo ng bilihin dahil sa dami ng produktong nagagawa at sa murang halaga ng paggawa. Ilan lamang ito sa mga hinaharap nating problema na maaring solusyunan.Maraming bagay ang hindi pa malinaw sa atin kaya tayo ay nag-aaral. May mga taong nakakaimpluwensya sa mga desisyong ating ginagawa. Sa una maaaring hindi natin ito gusto ngunit sa kalaunan natutunan nating itong pag-aralan at magustuhan. Lahat tayo ay may kakayahang magkaroon ng kontribusyon na makakatulong sa bawat isa maging isang “Engineer” man tayo o hindi.

Inhinyero ito ay propesyong kinikilala at bukod na naitatanyag sa alin mang propesyon. Ang pagkakaroon ng matinik na kaalaman sa matematica, lohika, analisasyon, maparaang abilidad at sipag ay ilan lamang pundasyon upang maging isang inhinyero.Inhinyero na magbibigay serbisyo at kaunlaran sa kapwa tao. Ngunit ang pagiging inhinyero ay hindi nababatay sa pagtupad sa trabaho ng propesyon, sapagkat ang isang epektibong inhinyero ay may paninindigang magbigay serbisyo ng tapat, pantay at may prinsipyo na maglingkod sa paraang nababatay sa tuwid na etika. 

See also  Ibigay Ang Kahalagahan Sa Pagsulat Ng Lakbay Sanaysay. ​