Si Donya Leonora At Ang Serpyente Summarization?

Si Donya Leonora at ang Serpyente Summarization?

Answer:

Si Donya Leonora at ang Serpyente (Buod)

Buod: Nakarating na si Don Juan sa palasyo at nakita niya si Donya Leonora, siya ay isang napakagandang babae at pinuri ito ni Don Juan ng labis-labis. Nagulat si Donya Leonora nang makakita siya ng tao sa kanyang palasyo ngunit nagkaroon siya ng pagmamahal kay Don Juan. Sinabi ni Donya Leonora ang tungkol sa serpyenteng bumabagabag sa kanyang buhay at dahil sa katapangan ni Don Juan, pumayag ito na labanan ang Serpyente. Inatake ni Don Juan ng inatake ang serpyente ngunit ang ulo ay balik ng balik. Tilulungan ni Donya Leonora at nagdasal si Don Juan sa pamamagitan ng pagbigay ng balsamo na ibubuhos tuwing may mapuputol na ulo. Gumana ito at nagtagumpay muli si Don Juan sa laban na ito. Umalis silang dalawa ni Donya Leonora na nagmamahalan at umakyat na sila sa balon.

Kahalagahan: Makikita natin sa kabanatang ito ang muling labis na katapangan ni Don Juan at ang kanyang pagiging maka-Diyos upang magtagumpay laban sa serpyente, isa nanamang pagsubok. Matututunan natin dito na dapat ang Diyos ang ating maging gabay sa mga tatahakin nating mga daan at matututunan rin natin na may mga tao talagang tutulong sa atin habang tayo ay naglalakad patungo sa isang daan.

brainly.ph/question/1327407

See also  _8. Nang Lumaon, Si Liongo Ay Nagkaanak Ng Isang Lalaking Nagt Kaniya. An...