Senyales Ng Pagiging Buntis

senyales ng pagiging buntis

Answer:

Ano nga ba ang senyales ng isang buntis?

  • Delayed ang iyong period o regla – ito ay madalas na palatandaan kung ikaw ay isang buntis lalo na kung buwan buwan ka naman nagkakaroon ng dalaw.
  • Pagsusuka – ito ay kadalasan nararamdaman ng ibang buntis. Lalo na sa umaga.
  • Palagiang nahihilo at madalas makaramdam ng pagod – ito ay kadalasan rin nararamdaman rin ng isang buntis. Kahit konti lang ang kaniyang ginawa ay sobra ang pagod na kanyang nararamdaman.
  • Spotting – light spotting o pagkakaroon ng konting bleeding. Ito ay madalas maranasan ng nagdadalang tao. Ngunit kung ito ay nararanasan ay kailangan ring magpatingin sa doktor upang malaman kung norma lang ito o may iba pang dahilan ng pagkakaroon ng spotting.
  • Pagiging maselan sa amoy – madalas ang isang buntis ay namimili lamang ng gusto nyang amoyin. Minsan nagagalit siya kapag naaamoy ang mga bagay na ayaw nya.
  • Paninigas o paninikip ng suso– dahil sa nagdadalang tao ang isang buntis, ang ating dibdib rin ay naghahanda sa breastmilk na para sa kaniyang sanggol.
  • Pagbabago ng mood – dahil sa kaniyang pagbubuntis, normal lamang ang pagbabago ng mood. Kadalasan sila ay nagiging emosyonal sa mga bagay kahit na ito ay wala namang dahilan.
  • Pagdagdag ng timbang – dahil sa batang dinadala, normal lang na madagdagan ang timbang dahil bumibigat na rin ang sanggol na nasa sinapupunan ng isang buntis.

Mga dapat gawin ng isang buntis

  • Kumain ng masustansyang pagkain – hindi lang dahil kailangan ito ng iyong katawan, kailangan rin ng masustansyang pagkain ng iyong sanggol sa iyong sinapupunan. Nakakatulong ito upang mabigyan ng sapat na bitamina ang nanay at ang sanggol.
  • Uminom ng maraming tubig – ito ay makakatulong upang hindi ma dehydrate ang isang buntis. Dahil sa palagiang pag ihi nito.
  • Kailangan ng sapat na pahinga at tulog – kailangan ito upang maging malakas ang iyong katawan.
  • Mag-ingat sa pag-akyat o pagbaba ng hagdan – ito ay kadalasan nagiging sanhi ng pagkawala ng sanggol sa sinapupunan.
  • Umiwas sa mga taong naninigarilyo – dahil sa masamang epekto ng paninigarilyo, maaari ring magkaroon ng sakit ang sanggol na nasa sinapupunan.
  • Iwasan ang stress – ang mga emosyon na palaging nararamdaman ay nararamdaman rin ng isang sanggol na nasa sinapupunan kaya dapat lamang na maging stress free ang pagbubuntis. Dahil rin dito, mas naaapektohan ang isang sanggol lalo na ang kaniyang emosyon at pagpapalaki niya sa loob ng sinapupunan.
  • Iwasan ang pagkain ng maaalat – dahil ito ay nagdudulot ng sakit sa isang buntis at maaaring mahawa ang bata sa loob ng sinapupunan kung hindi ito iiwasan.
  • Iwasan ang uminom ng alak o alcohol – dahil mayroon ng sanggol sa iyong sinapupunan, ito ay bawal lalo na sa isang buntis. Maaring maapektuhan ang sanggol.
  • Bumisita sa Ob-gyne o doktor – ito ang unang kailangang gawin ng isang buntis dahil ito ay higit na makakatulong upang maalagaang mabuti ang isang buntis at ang sanggol na nasa sinapupunan nito. Sila rin ang magsasabi ng mga dapat at hindi dapat kainin o gawin ng isang buntis.
See also  I. Direction: True Or False: Read The Texts Carefully And Write T If Th...

Kung nais mo pang makabasa ng iba pang detalye o impormasyon tungkol sa paksang ito, maaari mo ring i-click ang mga links na ito:

  • Senyales ng buntis white mens: https://brainly.ph/question/2600932
  • Mga prutas na dapat kainin ng buntis: https://brainly.ph/question/1020365

#LetsStudy