Panuto: Pangatwiranan Ang Mga Sumusunod Na Katanungan. 1. Bakit Kailangan Gumam…

Panuto: Pangatwiranan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Bakit kailangan gumamit ni Balagtas ng mga alegorya para maiatago ang tunay na mensahe ng
kanyang obra maestara?
2. Paano kaya naka-impluwensiya sa panulat ng ating mga bayaning sina Rizal at Mabini ang akdang
Florante at Laura ?
3. Dahil sa naging impluwensiya ng akdang ito sa ating mga bayani at maging sa pangkaraniwang
tao, masasabi nga bang mas makapangyarihan ang pluma kaysa sa tabak? Ipaliwanag.​

Answer:

1. Bilang isang Estudyante, Gumamit po siya Ng alegorya upang masasalamin Ang mga nakatagong mensahe at sumbolismong kaikikitaan Ng pagtuligsa sa pamamalabis at kalupitan Ng mga Español.

2.Ayon kina Baisa-Julian, et. al. (2017), ang akdang Florante at Laura ni Francisco Balagtas Baltazar ay gumabay hindi lamang sa mga pangkaraniwang tao gayundin sa mga bayaning nagmulat sa diwang makabayan ng mga Pilipino. Sinasabing si Dr. Jose Rizal ay nagdala ng kopya ng Florante at Laura habang siya ay naglalakbay sa Europa at naging inspirasyon niya sa pagsulat ng Noli Me Tangere. Sinasabi ring maging si Apolinario Mabini ay sumipi sa pamamagitan ng sarili niyang sulat-kamay ng kopya ng awit habang siya ay nasa Guam noong 1901. Bagama’t napakatagal nang panahon mula nang isulat ni Balagtas ang awit ay hindi mapasusubaliang ang mga aral na taglay nitong gumabay sa ating mga ninuno at mga bayani ay nananatiling makabuluhan, angkop, at makagagabay pa rin sa mga Pilipino hanggang sa kasalukuyang panahon.

3.Sa isang bansa na kung saan laganap na ang kalayaan sa sariling opinyon, masasabi nating makapanyarihang sandata ang paggamit ng pluma dahil sa modernong panahon ang kalayaan ng mga tao sa pagsulat ng kani-kanilang hinaing sa isang tao man o sitwasyon ay isang malaking bagay sa pag-unlad ng isang bansa.

See also  What Is The Meaning Of This . ? ! In Tagalog​

Explanation: