paano mo ipapaliwanag ang aral na natutunan mo sa kwento?sa alibughang anak?.
Answer:
Maipaliliwanag ang aral na natutunan ko sa kwento sa pamamaraang pagsasakilos nito sa aking buhay. Ang kuwentong “Ang Alibughang Anak” ay nag-iiwan ng dalawang aral.
Una, nagtuturo ito na maging maingat at matalino sa paggamit ng salapi at ang ikalawa ay dapat na matutunan ng isang indibidwal ang pagpapahalaga sa pamilya.
Ang kuwentong ito ay isang uri ng parabola na kung saan hinango ito sa bibliya upang magbigay ng aral sa mga tao.
Mabuting basahin at unawain ang ganitong uri ng babasahin sapagkat nakatutulong ito upang matuto ang tao ng tama at mabuting asal gayundin ng wastong pagpapahalaga sa mga tao at bagay na bahagi ng buhay nito.