Nangyari Noong Agosto 23, 1896 Agosto 30, 1896 Disyembre 30, 18…

Nangyari Noong Agosto 23, 1896
Agosto 30, 1896 Disyembre 30, 1896

Grade 6 Araling Panlipunan​

Answer:

Ang Himagsíkang 1896 ang pambansang paghihimagsik ng mga Filipino laban sa kolonyalismong Español at sumiklab noong Agosto 1896 sa pangunguna ng Katipunan. Itinatag ang Katipunan o Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong gabi ng 7 Hulyo 1892 pagkatapos mapabalita ang pagdakip at pagdestiyero kay Jose Rizal. Inisip ng mga taga pagtatag na sina Andres Bonifacio, Teodoro Plata, Valentin Diaz, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at dalawa pa na walang saysay ang kilusang repormista. Ang Katipunanay isang lihim na samahan para ibagsak ang gobyernong dayuhan. Unti-unti itong kumalat sa mga bayan sa paligid ng Maynila at nagkaroon ng mga sanga hanggang Ilocos sa hilaga, Kabikulan, Aklan, Cebu, Palawan, at hanggang Mindanao bago natuklasan noong Agosto 1896.

May ulat na si Padre Mariano Gil ng Tondo ang nagsuplong sa Katipunan. Nalaman niya ito mula sa isang Katipunero, si Teodoro Patiño, na hinimok ng kapatid na relihiyosang ipagtapat sa pari ang lihim na kilusan. Noon ding gabi ng 19 Agosto 1896 ay dinakip ng polisya ang maraming Filipino na pinaghihinalaang kasapi ng Katipunan. Nása Kalookan noon si Bonifacio at dagliang nag-atas na magtipon ang mga Katipunero sa Balintawak. Sa naganap na pagtitipon, ipinasiya niláng lumaban para sa kalayaan. Noong Agosto 28, nagpalabas ng manipesto si Bonifacio na gumaganyak sa sambayanan na lumahok sa himagsikan. Ang unang malaking labanan ay naganap noong Agosto 30 sa San Juan del Monte. Samantala, nagsipag-alsa din ang mga Katipunero sa mga karatig lalawigan.

See also  MGA PANSARILING KASUOTAN​

si Rizal noong 30 Disyembre 1896 sa hinalang tagapagsulong ng rebolusyon. Ngunit sa halip matakot ay sumapi ang marami sa himagsikan.

Nangyari Noong Agosto 23, 1896 Agosto 30, 1896 Disyembre 30, 18…

araling panlipunan pivot grade10

Araling panlipunan 10 pivot module araling panlipunan. Panlipunan araling. Araling panlipunan 10 module 5 1st quarter

Tungkol Sa Araling Panlipunan - Conten Den 4

panlipunan araling tungkol crossword wordmint

Araling panlipunan. Araling panlipunan grade 4 module 2 sure. viral best video. Araling panlipunan

Araling Panlipunan 5 PIVOT Module Araling Panlipunan | Grade 5 Modules

panlipunan araling module pivot

Panlipunan araling quarter week. Araling panlipunan 6 week 7 day four. Panlipunan araling