Mga halimbawa ng mga alamat sa Mindanao
Answer:
Ang Alamat ng Mindanao
Noong araw, nang hindi pa dumarating si Raha Baginda upang ikalat ang mga aral ni Mahoma, ay dadalawang pulutong pa lamang ng mga pulo ang pinaninirahan ng mga tao sa Pilipinas. Ang isa na nasa dakong hilaga ay pinamamahalaan ni Datu Lusong. Si Datu Lusong ay nagtataglay ng pambihirang lakas at tapang.
Siya’y may isang anak na dalagang ang pangalan ay Minda. Si Minda ay maganda, malambing ang tinig, at mabini ang kilos. Humahanga ang lahat ng nakakakita sa kanya.
Sa kalagitnaan naman ng Pilipinas, sa may pulong di-lubhang kalayuan sa pulo ni Datu Lusong, ang namumuno ay isang sultang kilala sa tawag na Datu Bisaya. Siya ay may malakas na hukbo na pinamumunuan ng kanyang anak na si Danaw. Mahal na mahal si Danaw ng kanyang mga kawal dahil sa mabuti siyang magpasunod. At dahil din sa kanyang husay at tapang, lagi silang tagumpay sa mga labanang kanilang dinarayo.
Magkagalit sina Datu Lusong at Datu Bisaya. Madalas silang nagsasagupaan noon pa mang sila’y mga binata pa. Nais ng bawat isa na sakupin ang kaharian ng isa’t isa. Ngunit napansin nila na walang mangyayari sa kanilang paglalaban. Nauubos lamang ang kanilang mga kawal. Hindi sila magkatalunan. Dahil dito, minabuti nilang magka-sundo na. Upang maging ganap ang kanilang pagka-kasundo, iminungkahi ni Datu Lusong ang pag-iisang dibdib ng kani-kanilang anak na sina Minda at Danaw.
Malugod namang sumang-ayon si Datu Bisaya. Itinakdang ganapin ang kasal sa isang malaking pulo sa dakong timog. Ang pulong ito ay bago pa lamang nasasakop ni Datu Danaw.
Bago pa lamang nagbibilog ang buwan ay lulan na ng kanilang paraw sina Datu Lusong, Minda, at mga kawal patungo sa pulo na pagdarausan ng kasal. Doon nama’y naghihintay na ang mag-amang Datu Bisaya at Danaw at mga kawal nito.
Nang dumating sila sa pulo ay nagsimula na ang paghahanda. Nagluto sila ng masasarap na pagkain at inilabas ang kanilang mga alak. Idinaos ang kasal matapos na sila’y mag-alay sa kanilang diyos. Masayang-masaya ang lahat. Tumagal ng tatlong araw at tatlong gabi ang kasayahan. Pagkatapos ng pagsasaya ay nagtalumpati si Datu Bisaya.
“Ang pulong ito ay inireregalo ko sa mga bagong kasal. Dito na sila maninirahan. Sinumang may nais sumama sa kanila ay maaari nang maiwan dito. Mula ngayon, ang pulong ito ay tatawaging Minda-Danaw.”
Maraming kawal ang nagpaiwan sa pulo kasama ng mga bagong kasal. Doon na sila nanirahan sa pamumuno ni Danaw.
Sa nilakad-lakad ng panahon, ang pangalang Minda-Danaw ay naging Mindanaw. Sa pag-unlad ng wika, ito ay naging Mindanao.
Ngayon, ang Mindanao ay pangalawa sa pinaka-malaking pangkat ng mga pulo sa Pilipinas. Ito’y sagana sa mga likas na yaman.
#CARYONLEARNING
#BRAINLYFAST
Alamat ng mga ang kasoy halimbawa bahaghari saging larawan hayop pinya mangga kwento prutas lansones maikling ampalaya bulaklak buod rosas. Mga halimbawa ng alamat halimbawa. Mga alamat
Mga alamat ng prutas maikling kwento mobile legends. Alamat ng saging mga halimbawa aral tagalog versions maikling buod tatlong filipino pinoy pinoycollection. Pagkakatuĺad ng mga katangian ng mito alamat kwentong bayan at
alamat upo pag ibig
Alamat saging halimbawa maikling paro paru sampaguita ampalaya mangga bayabas pinya bulaklak butiki prutas kwento philippin pamaypay sirena kwintas katana. Alamat ng mangga. Mga alamat sa luzon
Halimbawa ng alamat bago dumating ang mga kastila archives proud. Alamat ng saging mga halimbawa aral tagalog versions maikling buod tatlong filipino pinoy pinoycollection. Pagkakatuĺad ng mga katangian ng mito alamat kwentong bayan at
alamat elemento ano halimbawa mga filipino uri katangian kasaysayan bahagi philippin collections reynaldo komiks kwento saan nagmula mito bayan kwentong
Halimbawa ng alamat tagalog. Ang alamat ng saging. Halimbawa ng kwentong bayan sa luzon : faye catherine amigable: tatag
alamat ng mga ang kasoy halimbawa bahaghari saging larawan hayop pinya mangga kwento prutas lansones maikling ampalaya bulaklak buod rosas
Mga halimbawa ng alamat. Alamat ng mangga. Gumawa ng sariling maikling alamat
alamat ng saging mga halimbawa aral tagalog versions maikling buod tatlong filipino pinoy pinoycollection
Alamat saging halimbawa maikling paro paru sampaguita ampalaya mangga bayabas pinya bulaklak butiki prutas kwento philippin pamaypay sirena kwintas katana. Alamat halimbawa barangay ortiz. Ang alamat ng saging
alamat mangga buod makiling mga kwento buwan kwentong maikling batik
Mga halimbawa ng alamat. Ano ang alamat. Mga halimbawa ng alamat ng daigdig
Alamat mga. Ang alamat ng bahaghari. Mga alamat ng pilipinas
Ang alamat ng bahaghari. Ano ang alamat. Ang alamat ng saging
alamat halimbawa barangay ortiz
Ang alamat ng bahaghari. Halimbawa ng kwentong bayan sa luzon : faye catherine amigable: tatag. Ano ang alamat