Halimbawa Ng Anekdota Tungkol Sa Pamilya

halimbawa ng anekdota tungkol sa pamilya

Halimbawa ng Anekdota Tungkol sa Pamilya

Isang halimbawa ng anekdota tungkol sa pamilya ay noong mamasyal ang pamilya ni Florante sa Manila Zoo. Habang sila ay naglalakad ay bigla na lang may nalaglag na mainit-init sa balikat ng kanyang kapatid. Iyon pala ay nadaanan siya ng ibon na tumae habang lumilipad. Mabuti na lamang ay malapit lamang sila sa banyo kaya agad itong nakapagpalit. Nagkatawanan na lang sila pagkatapos at, bilang pampalubag-loob, sinabihan siya ng magulang na swerte raw iyon.

Ikalawang halimbawa ng anekdota tungkol sa pamilya ay noong nagpunta sa palaisdaan ang pamilya ni Laura. Habang ang kanyang ina ay nagluluto, sinamahan niya ang kanyang ama at tiyuhin upang mamingwit ng isda. Noong gumalaw ang tali ng pamingwit ng kanyang tiyuhin ay dali-dali itong tumayo ngunit nagulat siya sa bigat ng isda kaya naman ito ay natumba at nahulog sa tubig at ang lahat ay nagtawanan bago siya tulungang makaahon.

Karagdagang Halimbawa ng Anekdota Tungkol sa Pamilya

  • Nagkuwento ang lola at lolo sa kanilang mga apo tungkol sa kung paano niligawan ni lolo si lola.
  • Isang gabi ng pasko, naisipan ni Tomas na abangan si Santa Claus na parating nag-iiwan ng tsokolate at laruan sa kanilang Christmas tree. Nagtago siya sa sopa at nang may naaninag na naglalakad palapit sa Xmas tree ay kanyang ginulat ang ama at ina na sila palang naglalagay ng regalo.
  • Dumalaw ang tiyahin ni Sally sa kanila. Lingid sa kaalaman nito ay mayroon silang malaking aso. Noong umupo sa sopa ang tiyahin ay bigla na lang kumaripas ng takbo ang aso papunta sa kanya. Akala ng tiyahin ay aawayin siya nito nang biglang tumabi ito sa kanya at naglambing.
See also  Halimbawa No Talinhaga O Parabula Said Biblya ​

Basahin naman ang mga halimbawa ng anekdota tungkol sa kaibigan na nakakatawa rito: https://brainly.ph/question/2504549