Gumawa Ng Kuwento Tungkol Sa Mga Hayop. Ilarawan Ang Mga Katangian Na Nagustuhan…

Gumawa ng kuwento tungkol sa mga hayop. Ilarawan ang mga katangian na nagustuhan mo sa mga hayop. ​

ANG TIPAKLONG AT LANGGAM”

may isang bayan kung saan naninirahan ang iba’t ibang insekto kagaya ng langgam at tipaklong. makikita sa bayan na ito ang pagtutulungan ng bawat isa. sapagkat tuwing magkakaroon ng malakas na bagyo o kahit na anong kalamidad, ibinabahagi nila ang kanilang mga pagkain na naipon sa mga insektong nangangailangan nito. kaya naman habang wala pa ang tag-ulan makikita mo ang kanilang pagta-trabaho makakita at makakuha lamang ng mga pagkain, makikita mo ang kasipagan ng mga langgam. araw-araw silang nagtatrabaho, hanggang sa may huminto na isang langgam kay tipaklong, nagtataka ito kung bakit panay sayaw at laro lamang ni tipaklong. samantalang sila ay nagpupursigi sa paghahanap ng pagkain.

naisipan tanungin ni langgam si tipaklong

ikaw ba ay nakapagipon na ng pagkain para sa dadating na tag-ulan? malumay na tanong ni langgam.

bakit ko naman kailangan pagudin ang sarili ko kung alam ko naman na ang araw ay mananatili sa ating bayan, halika langgam at samahan mo ako. pag aaya ni tipaklong.

hindi na tipaklong, madami pa kasi akong gawain. sa susunod nalang kita sasamahan”

araw-araw na nagsasaya si tipaklong na para bang walang itong iniisip sa mga pwedeng mangyari. hanggang sa dumating na ang araw ng tag-ulan.

napakalakas nito, kaya’y ang mga langgam ay nagsipasok sa kanilang mga tahanan.

nabigla si tipaklong sa pagbuhos ng malakas na ulan, kasabay ng maalala ni tipaklong na wala pa s’yang pagkain na naitatabi.

See also  Bagay Na Maihahalintulad Sa Sarili ​

lamig na lamig si tipaklong at hindi nito alam ang kanyang gagawin.

kaya naman naisipan n’yang puntahan ang bahay ni langgam na nakausap nya noong nakaraang araw.

(kumatok si tipaklong sa bahay ni langgam)

ilang minuto na ang nakalilipas ngunit wala pa din langgam na lumalabas.

nawalan na ng pag-asa si tipaklong

kaya naman naisipan na n’yang lumisan.

ngunit biglang bumukas ang pinto

s’ya ay ipinatuloy ni langgam, inabutan s’ya nito ng tela pangsapin sa kan’yang katawan para naman maibsan ang kanyang panglalamig. binigyan din sya nito ng mainit na sabaw.

humingi ng tawad si tipaklong kay langgam, at sinabi nitong..

sa susunod ay uunahin ko muna ang pagtatrabaho kesa sa pagsasaya.

(kasunod na araw)

palagi ng magkasama si tipaklong at langgam

sabay silang nagtatrabaho

at kapag araw na ng pahinga

sila naman ay nagsasaya.

umaawit at nagsasayawan.

naglalaro ng mga nakakatuwang laro.

KATAPUSAN NG KWENTO.

(ito ay walang katotohanan, ito ay gawa gawa lamang. isa lamang din itong idea sa kwento na

ang langgam at tipaklong.) ctto.

i used different words in this story but still hindi pa din ito sa akin, sana nagustuhan mo.