El Fili Tagpuan Kabanata 24

el fili tagpuan kabanata 24

El Filibusterismo:

Kabanata 24: Mga Pangarap

Ang tagpuan ng kabanatang ito ay sa Luneta.

Ang Luneta ang ginamit ni Dr. Jose Rizal na tagpuan ng kabanata 24 sapagkat ang Luneta ay kilala bilang isa sa mga pinakamagandang pasyalan noong panahon ng mga Kastila. Ang pasyalan ding ito ang karaniwang pinupuntahan ng mga magkasintahan upang mamasyal, makakita ng mga magagandang tanawin, at makapag – usap ng maayos sapagkat ito ay tahimik sa kabila ng pagiging matao nito. Ang Luneta ay malawak, maganda, at kaakit – akit. Ito marahil isa pa sa mga dahilan kumbakit ito ang naisipan ni Dr. Rizal na gawing tagpuan ng kabanata 24. Kalakip nito, bilang pag alaala sa pagiging isang makasaysayang pook ng Luneta, dito itinayo ang bantayog ni Dr. Jose Rizal.  

Ganito ang eksena ng kabanatang ito. Ang magkasintahang Paulita at Isagani ay nagkita at nag – usap sa Luneta. Tulad ng inaasahan, nagpalitan ng mga hindi magagandang salita ang dalawa matapos na magkaroon sila ng selosan makaraang magkita sa palabas. Nakita ni Paulita na si Isagani ay nakatingin sa mga Pranses na babae samantalang nakita naman ni Isagani si Paulita na kasama si Juanito Pelaez na batid niyang may lihim na pagtingin sa dalaga. Sa kabila ng kanilang mga halakhak naging malungkot ang kanilang paghihiwalay sapagkat hindi naging magkaisa ang kanilang mga nais. Tulad na lamang ng pagtira sa nayon at pagtira sa siyudad. Sa pangarap ni Isagani, nais niyang makatuluyan si Paulita at mamalagi sa nayon upang doon ay magbuo ng sarili nilang pamilya samantalang si Paulita naman ay nangangarap na manirahan sa siyudad. Nais niyang magkaroon ng mayamang mapapangasawa kaya naman madali para kay Juanito Pelaez na akitin siya. Ngunit ang pagmamahalan ng dalawa ay suportado ni Donya Victorina sapagkat nais niya na maging malaya si Juanito Pelaez sa pag – asang sila ay magkakatuluyan kapag ito ay tuluyan ng tinalikuran ng kanyang pamangkin na si Paulita.  

See also  Panuto: Basahin At Unawain Ang Mga Sumusunod Na Pahayag. Isulat Ang Titik Ng Sagot S...

Keywords: Isagani, Paulita, Mga Pangarap

Buod ng Kabanata 24 ng El Filibusterismo:
https://brainly.ph/question/2130045