aral ng alibughang anak
Ang alibughang anak ay isang ilustrasyon na itinuro ni Jesus at mababasa natin ito sa aklat ng Lucas 15: 11-32. Ang maawaing ama sa ilustrasyong ito ay lumalarawan sa mapagmahal nating Diyos. Ang anak na humingi ng mana at lumustay nito ay tumutukoy sa mga sa mga humiwalay sa Diyos. Para silang naglalakbay sa “isang malayong lupain,” ang buhay na walang patnubay ng Diyos. Pero ang iba sa kanila ay nagsisi at nagsikap na bumalik sa Diyos at buong-pusong tinanggap at pinatawad.
Mga Aral sa Aligbuhang Anak
Ang mga sumusunod ang mga aral na itinuturo ng ilustrasyon tungkol sa alibughang anak:
- Maging mapagpatawad sa mga nagkamali at nagsisi.
- Ang mga humiwalay sa Diyos ay maaaring tanggapin nya muli kung magpapakita ng taos pusong pagsisisi at pagsisikap na makabalik.
- Kapag bumalik na ang alibughang anak, tanggapin natin sila gaya ng pagtanggap sa kanila ng Diyos.
Iba Pang Ilustrasyon na Tinuro ni Jesus
Si Jesus ang pinaka dakilang guro, ang mga sumusunod ang iba pang mga ilustrasyon na itinuro nya at kapaki-pakinabang hanggang sa ngayon:
- Ang manghahasik na natutulog sa gabi
.
- Ang lambat na pangubkob
.
- Ang taong mayaman at si Lazaro
.
- Ang pastol at nawawalang tupa.
Buksan ang mga link para sa karagdagang kaalaman tungkol sa alibughang anak:
Katangian ng nakakatandang anak sa alibughang anak https://brainly.ph/question/2514167
Paglalarawan ng bunsong anak sa kwentong ang alibughang anak https://brainly.ph/question/1971515
Mga karanasan tungkol sa alibughang anak https://brainly.ph/question/2057638
#BetterWithBrainly