Ano-ano Ang sinasamba Ng mga ninuno natin sa kapanahunan Ng mga Alamat?Magbigay Ng ilang halimbawa
Explanation:
sinasamba Ng mga ninuno natin noon ay Ang mga bagay bagay na nkikita nla sa paligid katulad Ng mga malalaking bato mga puno at tanim
Answer:
Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas noong unang mga kapanahunan. Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon at pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat na dumating sa sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin, ang isa sa mga pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang Pilipinas bago pa man dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi ng mundo. Subalit karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa Pilipinas ang sinunog ng mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa ibabaw lamang ng mga balat ng punong kahoy at mga dahon ng mga halaman. May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa panahong ito. Alibata ang kadalasang ginagamit Gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan , talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat.
Ang mga uri ng panitikang sumibol at sumikat sa Pilipinas noong sinaunang panahon ay ang alamat, kuwentong bayan, epiko, mga awiting bayan, salawikain, karunungang bayan, sawikain, at bugtong.
Alamat – kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay; halimbawa na ang Ang Alamat ng Pinya
Kuwentong bayan – mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kuwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito
Epiko – tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
Ang mga halimbawa ng mga ito:
. Bidasari – Moro
. Biag ni Lam- ang Iloko
. Maragtas – Bisaya
. Haraya – Bisya
. Lagda – Bisay
. Kumintang – Tagalog
. Hari sa Bukid – Bisaya
Awiting bayan -ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin.
hal. Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, at Paruparong Bukid.
Salawikain – nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno. Halimbawa: Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo.
Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan. Halimbawa: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang pahuhulaan. Halimbawa: Isang tabo, laman ay pako. Ang sagot ay “langka”.
alamat ng saging mga halimbawa aral tagalog versions maikling buod tatlong filipino pinoy pinoycollection
Mga alamat sa luzon. Ang alamat ng upo. Halimbawa ng alamat tagalog
alamat mangga buod makiling mga kwento buwan kwentong maikling batik
Mga halimbawa ng alamat. Mga halimbawa ng alamat ng daigdig. Mga alamat ng pilipinas
Alamat ng saging mga halimbawa aral tagalog versions maikling buod tatlong filipino pinoy pinoycollection. Mga halimbawa ng alamat. Gumawa ng sariling maikling alamat