Ano-ano Ang Katangian Ng Isang Sanaysay Na Pormal Na Naiiba…

ano-ano ang katangian ng isang sanaysay na pormal na naiiba sa sanaysay na di-pormal

Sulating Pormal o Maanyo
Mga sanaysay na nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, bagay, lugar, hayop o pangyayari.

Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa.

Ang mga pormal na sanaysay at komposisyon sa Filipino ay nagtataglay ng pananaliksik at pinag-aralang mabuti ng sumulat.

Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.

Sulating Di-pormal o Impormal
Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda.

Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao.

Karaniwan na ang mga sanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.

See also  Halimbawa Ng Kahinaan Sa Sarili