ano ang pagkakaiba ng awiting-bayan at bulong
Answer:
Ang dalawang ito ay parte ng ating kultura at tradisyon. Kaya naman, matatawag sila na mga karunungang bayan. Pero, kahit may mga pagkakaparehas sila sa ganitong konteksto, marami pa rin itong pagkakaiba sa isa’t-isa.
Ang isang awiting bayan ay isang tradisyunal na awitin o kanta. Dahil mayroong iba’t-ibang isla sa Pilipinas, iba-iba rin ang mga kantang ito depende sa kultura at dayalekto ng isang partikular na lugar.
Halimbawa nito ay ang Oalay Manoc con Taraz na awiting-bayan sa Pangasinan. Samantala, ang bulong naman ay karaniwang binibigkas at hindi kinakanta.
Ito’y pabulong o sinasabi at kabilang sa mga halimbawa ng matandang orasyon ng mga sinaunang Pilipino. Ito rin ay sinasabing kauna-unahang tula sa ating bansa. Ang halimwaba nito ay : Tabi po Tabi po, makikiraan po.
Sa Ingles, ang salitang ito at tinatawag na murmur. Subalit, mas malaki ang parte nito sa kasaysayan ng Pilipinas dahil naging parte ito ng mga orasyon ng mga Pilipino noon.