ano ang makatotohanang alamat ng rosas?
Answer:
Noong unang panahon sa isang malayong nayon, ay may isang dalaga na nagngangalang Rosa na kilala dahil sa natatangi nitong ganda at dahil na rin sa kanyang mapupulang mga pisngi, kung kaya’t pinagkakag- uluhan si Rosa ng mga kalalakihan.
Isang araw nang dumating ng bahay si Rosa ay nakita niya ang isa sa kanyang mga manililigaw na si Antonio na kausap ang kanyang mga magulang at humihing ng pahintulot na manligaw kay Rosa kung saan ay masaya naman siyang pinayagan ng mga magulang ni Rosa at dahil na rin sa rason na si Antonio lamang ang lalaking unang umakyat ng ligaw sa kanila. Ang kinakailangan lang naman na gawin ni Antonio ay ang mapatunayan ang sarili kay Rosa at pasiyahin ito.
Iyon ang naghimok kay Antonio, kaya naman ay pinagsilbihan niya ang pamilya ni Rosa sa pamamagitan ng dote. Lubos namang natuwa ang mga magulang ni Rosa, lalong-lalo na ang dalaga na unti-unti ay nahuhulog na ang loob sa masugid na binata.
Sa araw na kung saan ay dapat sanang sagutin ni Rosa ang kanyang manliligaw ay doon rin siya labis na nagtaka kung bakit wala pa ito. Doon din niya nalaman na pinaglalaruan lang pala siya ni Antonio nang marining niya ito habang kausap ang kanyang mga kaibigan. Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rosa sa kanyang narining. Nadurog ang kanyang puso sa kanyang unang pag-ibig. Hindi tumigil ang pag-iyak ni Rosa habang siya ay bumalik sa kaniang bahay. Nag-aalala naman siyang tinanong nang kanyang mga magulang pero hindi sumagot ang dalaga. Kinabukasan ay hindi na nakita si Rosa at pati na rin sa susunod na mga araw.
Isang araw, ay nabalitaan na may kakaibang halaman na tumubo sa dapat sanang tagpuan nina Rosa at Antonio. Tinawag ang halaman na rosas dahil ang pulang kulay nang bulaklak ay nagsisilbing paalala sa mga mapupulang pisngi ni Rosa. Ang naiiba lamang ay ang tinik na napapalibot sa halaman na pinapaniwalaan na si Rosa na nagsasabing wala sinumon ang makakakuha sa magandang bulaklak na hindi nasasaktan.
Noong unang panahon, may isang dalagang nag ngangalang Rosa. Bukod sa natatanging ganda ay kilala rin ang dalaga na gagawin ang lahat upang mapatunayan ang tunay na pag-ibig.
Nakatakda na noong ikasal ang dalaga ng matuklasan nyang may malubhang sakit si Mario, ang kanyang nobyo.
Hindi naging hadlang ang sakit ni Mario upang matigil ang kanilang kasal.
Sa kabila nito ay naging mabuting asawa si Rosa kay Mario.
Hindi sya umalis sa tabi ng asawa kahit anumang oras.
Maging sa pag gising at pag tulog ni Mario ay mukha ni Rosa ang nasisilayan nito.
Ang mga ngiti rin ni Rosa ang huling nasilayan ng asawa bago ito nalagutan ng hininga.
Ang mga ngiting iyon ay hindi napawi hanggang sa ilibing si Mario. Nagtaka ang mga tao, aniya “Alam kong masaya si Mario kung nasaan man sya. Alam ko na ako lamang ang kanyang minahal at maghihintay sya sakin hanggang sa magsama kaming muli”.
Naging inspirasyon si Rosa para sa iba.
Bago namatay si Rosa ay hiniling nito na ilibing sya katabi ng libingan ng asawa.
Kakatwang may tumubong napakagandang bulaklak sa gilid ng puntod ni Rosa. Tinawag nilang “Rosas” iyon bilang pag alala kay Rosa.
alamat maikling kwento pabula
Mga alamat ng pinoy. Alamat ng ang rosas mansanas. Alamat ng rosas storyboard by kiiyaruuh
Alamat ng rosas storyboard by kiiyaruuh. Ang alamat ng rosas storyboard by janis14923. Rosas alamat ng storyboard
Alamat ng rosas storyboard av borafaelronaldo. Alamat ng rosas. Alamat ng rosas storyboard by 0daa959e
alamat justine fajardo
Alamat ng rosas. Rosas alamat ng storyboard. Alamat ng rosas storyboard by kiiyaruuh