Mahalagang Konsepto Ng Kabanata 26 El Fili

mahalagang konsepto ng kabanata 26 el fili

Answer:

KABANATA 26: Mga Paskin (Buod)

Ang araw ng pag-uusig ang babago sa mapayapa at tahimik na buhay ni Basilio.

Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang kanyang mga pasyente. Bukod dito ay pupuntahan din niya ang kaibigang si Makaraig upang kunin ang hiniram na pera para makuha na niya ang kanyang grado.

Habang patungo sa pamantasan ang binata ay napansin niya ang grupo ng mga mag-aaral na pinapalabas sa loob ng paaralan. Maingay nilang pinag-uusapan ang mga mag-aaral na sangkot sa paglulunsad ng himagsikan.

Gumapang ang takot sa buong katawan ni Basilio dahil sa kanyang mga narinig. Kumalma lamang ang kanyang kalooban nang malamang walang kinalaman sina Simoun at Kabesang Tales sa usapin ng himagsikan.

Sa paghahanap niya kay Makaraig ay nakasalubong niya ang mga guwardiya sibil. Pinigilan siya sa pagpasok at pinaghintay sa labas ng bahay ng kanyang kaibigan.

Paglipas ng ilang sandali ay dumating ang kabo at pati siya ay inimbistigahan.

Laking gulat na lamang ni Basilio dahil pati siya ay isinakay sa karwahe at hinatid papunta sa tanggapan ng Gobyerno Sibil.

ARAL – KABANATA 26

Ang tadhana ay mapagbiro. Kung minsan ang itinuturing mong kaibigan ay siya pa pala ang maghahatid sa iyo ng tiyak na kapahamakan.

See also  LARAWAN NG PAGKATUTO Pagpapakita Ng Isang Editorial Cartoon. Anong Suliraning...